金曜日, 11月 24, 2017

Rachel Louise Peters in Miss Universe 2017


Malapit na malapit na at nag-uuminit na ang mga fans para sa Miss Universe 2017. Excited na ang lahat at wala nang mapagsidlan ang nag-uumapaw nilang pananabik. Bakit ka nyo? Well..... Pansinin nyo ang ating kandidata. Palaban na palaban. Winner na winner ang vibes. Sa mga naging recent candidates natin sa patimpalak pagandahang ito, ang nag-iisang Miss Universe, siya na ang pinakahanda.

Yan ay larawang kuha nang sumali siya sa National Costume Competition na ginanap sa Planet Holywood ng Las Vegas. Ang inspirasyon ng kanyang pambansang kasuotan ay ang Mahiwagang ibon na Sarimanok, na isang simbolo ng magandang kapalaran sa katimugan ng Pilipinas.

Sari-saring reaksyon ang nakuha mula sa mga netizens hinggil sa kakaibang kasuotang ito. Sa unang pagkakataon, hindi tradisyonal na kasuotan ang inirampa ni Miss Philippines sa Miss Universe. Kadalasang Filipiniana ang sinusuot ng ating mga kandidata sa patimpalak na ito.

Sa kasuotang ito ay nabigyang pansin ang mahahabang biyas ni Rachel Peters. Ang mga nakaiinggit niyang long legs ang itunuturing niyang kanyang best asset. Litaw na litaw din ang magandang hubog ng kanyang katawan. Ang kulay ginto ay bumagay din sa lokasyon ng kompetisyon, ang Las vegas.

Mahusay itong nairampa ni Bb. Rachel Peters. Umani sya ng malalakas na hiyawan mula sa mga manonood. Itinuring syang isa sa mga best performers para sa patimpalak na ito ng iba't ibang pageant experts.

Ito si rachel kasama ng ibang delegada para sa Miss Universe National Costume Competition.

Makalipas ang ilang araw ay ginanap naman ang preliminary competition ng patimpalak. Umani na naman ng kaliwa't kanang papuri ang ating kandidata. Nakatataba ng puso at nakaka-proud na ang ating pambato ay talagang bigay todo sa kanyang performances.

Sa swimsuit competition, na tiyak ng lahat na mapagtatagumpayan niya ay humataw siya at unang ipinamalas ang kanyang pinaghandaang infinity walk.

Napa-WOW ang mga manonood at nalaglag ang mga panga nang lumabas sa entablado ang ating binibini. Kitang kita naman ang magandang hubog ng kanyang katawan, bunga ng kanyang paggiging mahilig sa sports. si Rachel ay isang surfer, kung kaya't toned ang kanyang katawan. Hindi yan hinubog ng gym. Halata namang active lifestyle ang humubog sa kanyang katawan na hindi mapaparisan ng pagbubuhat sa gym.

Hataw din ang kanyang pagrampa. Sakto lang at hindi sobra. Ito ang obserbasyon ng marami. Ang bawa't kembot ng baywang at pagkumpas ng kamay ay tamang tama ang timpla. Pati ang pag-ikot at pagtigil upang mag-pose ay Pak na Pak, ika nga.

As usual, hiyawan at tilian ang mga tagahanga ni Miss Philippines. Masigabo at dumadagundong ang paghanga ng mga fans. Makikitaan naman ng dagdag na kompiyansa ang ating kandidata.

Bukod sa swimsuit, nagpasiklaban din ang mga kandidata sa Evening gown. Rumampa ang ating pambato suot ang isang gown na dinisenyo ni Val Taguba. Isa itong gold na column gown na may slit sa kanang hita.
Hubog na hubog ito sa katawan ni Rachel. Hapit na hapit at naipamalas nang husto ang magandang hugis ng kanyang katawan. Ang slit sa kanang hita ang pinakahighlight nito. Kita ang long legs na syang asset ng ating binibini.

Bukod sa pagka-sexy ay napakaeleganteng tignan ni Rachel sa kanyang kasuotang panggabi. Napaka-regal at queenly ng kanyang dating. Perfect din ang styling at nabigyang emphasis ang kanyang gandang Filipina. Mula sa kulay, cut at style, perfect na perfect.

Sa darating na Lunes, November 27 ang finals ng Miss Universe 2017. Handang handa na ang ating kampeon. In best fighting form, hindi lamang sa swimsuit at gown palaban ang ating kandidata, mahusay din sya sa pakikipagtalastasan. Kung kaya't inaasahan ding mapagtatagumpayan nya ang Q and A portion, na syang pagkukuhanan ng malaking puntos sa pagpili ng bagong Miss Universe.

Good luck sa iyo Bb. Rachel Peters. Paghusayan mo ang iyong laban. Lagi mo sanang tandaan na ang sambayanang Pilipino ay kasa-kasama mo sa pakikipaglaban. Naririto kaming lahat na nagdarasal at sumusuporta sa iyo. Sa darating na Lunes, Nov. 27 (sa Pilipinas), dadagundong ang Las vegas sa lakas ng hiyawan ng iyong mga tagahanga. Kami dito sa Pilipinas ay mag-iingay din sa aming sari-sariling tahanan, opisina, basketball court, atbp.

Mabuhay ka Bb. Rachel Peters. Mabuhay ang Pilipinas. mabuhay ang gandang Filipina.

0 件のコメント: