水曜日, 4月 02, 2008

Asian Beauties at the Very Best

Hello Everyone !!!

Tagal na no mga sis..... It's been a long time since I last updated this blog. May nakamiss naman kaya? Naku 2008 na pala at SUMMER na... Panahon na naman ng pag bi-beach. Outing galore na uli. Kayo? saan ang punta niyo???
Pero di yan ang topic natin… syempre tungkol sa beauty ang pag-uusapan natin. At dahil malapit na uling magsimula ang pageant season, atin pong gunitain ang tagumpay ng mga Asyana sa pandaigdigang patimpalak pagandahan.



Syempre nangunguna sa listahan ang pangalang Akiko Kojima. Kauna-unahang Miss Universe mula sa Asya at malayong Silangan. Taong 1959 nang manalo ang noo’y 22 anyos na si Bb. Kojima. Isa siyang modelo mula sa Tokyo, Japan.


Makalipas ang 6 na taon (1965), sinundan naman siya ni Apasara Hongsakula ng Thailand. Sa taas na 5 talampakan at 4 na pulgada, Si Bb. Hongsakula ang pinakamaliit na Kampyon ng Miss Universe.
Ang Pilipinas naman ay di pahuhuli, sapagkat atin namang nasungkit ang korona noong 1969 at 1973 sa katauhan nina Gloria Diaz at Margarita Moran (Paumanhin wala po akong pix ngayon).


Lumipas ang matagal na panahon bago muling nagkaroon ng Asian winner sa Miss Universe. 15 taon ang lumipas (taong 1988) bago nasundan ang pagkapanalo ng isang Asyana. Si Porntip Nakhironkanok ng Thailand ay nagwagi ng idaos ang patimpalak sa Taiwan. Tagumpay ang ganda ng mga Asyana ng taong iyon. Bukod kay Bb. Nakhironkanok, napasama rin sa Top 5 ang Miss Japan, Miss Korea at Miss Taiwan.


Taong 1994, nang idaos sa Maynila ang Miss Universe sa ikalawang pagkakataon. At ang mapalad na nagwagi ay si Sushmita Sen ng India. Di inaasahan ang pagkapanalo ni Bb. Sen. Siya ang “dark horse” ng gabing iyon laban kina Minorka Mercado ng Venezuela at Carolina Gomez ng Colombia.



Sa kaunaunahang pagkakataon din nag-double-win ang India sa pandaigdigang patimpalak pagandahan. Sa taon ding iyon ay nasungkit ni Aishwarya Rai ang korona ng Miss World. Si Bb. Rai ngayon ay kinikilalang pinakamagandang Miss World title holder.



Taong 2000 naman nang ang isang Pilipina ay hiranging Miss America. Si Angela Perez Baraquio ay kumatawan sa estadong Hawaii. Isa siyang guro at nagtuturo ng Physical fitness.



Last Year ay nasaksihan na naman natin ang tagumpay ng gandang Asyana sa pandaigdigang kompetisyon. Si Riyo Mori ng Japan ay itinanghal na Miss Universe at si Zhang Zi Ling naman ng Tsina ang nag-uwi ng titolong Miss World.

Sana ay magtuloy tuloy pa ang pagkilala sa kagandahang Asyana. Lalo na't Olympic year ang taong 2008 at ang bansang Tsina ang maghohost ng Pandaigdigang palaro. Go Asia Go!!!

0 件のコメント: